Saturday , November 23 2024

Bossing Vic, Ka-partner pa rin ng Hanabishi

Manila, Philippines – Muling lumagda ang Hanabishi, isa sa nangungunang manufacturer ng home appliances sa Pilipinas, at si Bossing Vic Sotto ng kasunduan para sa ika-apat na taong pag-endorso ng aktor, producer at host sa mga pro­dukto ng Hanabishi. Mula 2015, katuwang na ng Hanabishi ang Bossing ng Masa sa pagl­alapit ng mga de-kalidad na produkto nito sa bawat tahanan at negosyong Pilipino.

“Sa paghahanap ng tamang endorser para sa isang brand na naniniwalang ang mga de-kalidad na produkto ay dapat para sa lahat, metikulosang nanay at nagsisimulang nego­syante man, talaga namang si Bossing Vic ang unang maiisip ng karamihan. Isinasa­bu­hay niya ang aming mga core value bilang isang home appliances brand. Umaasa kaming maiba­bahagi namin sa mas marami pang Pilipino ang aming pagka­kilanlan bilang Kapartner ng Praktikal na Nanay at Bossing sa tulong ni Bossing Vic,” ayon kay Hanabishi President Jasper Ong.

Muling kinuha ng Hanabishi si Bossing Vic Sotto bilang celebrity endorser. Ito’y pang-apat na taon na ni Bossing kasama ang naturang home appliance giant (Mula kaliwa, pakanan) Hanabishi Vice President for Finance and Marketing Cherish Ong-Chua, Hanabishi President Jasper Ong, Vic “Bossing” Sotto, Hanabishi Vice President for Operations Candice Ong-Ang, and Hanabishi Vice President for Purchasing and Merchandising Jevon Ong.

Si Sotto, na kamakailan la­mang ay ipinagdiwang ang pagsilang ng unang anak nila ng misis na si Pauleen Luna, ay nasa­sabik sa isa pang taon kasama ang Hanabishi. Ayon sa kanya, mas mataas ang pagpa­pa­­halaga niya sa commitment ng Hanabishi sa abot-kaya ngunit de-kalidad na produkto ngayong itinataguyod niya ang praktikalidad bilang haligi ng tahanan.

“Nagpapasalamat ako sa Hanabishi sa patuloy na pagtiti­wala sa akin. Sa loob ng ilang taong partnership ko with Hana­bishi, lalong lumalim ang aking tiwala sa kalidad ng kanilang mga produkto at sa kanilang vision na praktikal ngunit de-kalidad na produkto para sa mga Pilipino. Napaka-humbling na patuloy na pagkatiwalaan ng Hanabishi at masasabi ko ring karangalan na ibahagi ang mga produktong ito sa ating mga dabarkads dahil sa kalidad na masasabi kong nasu­bukan at napatunayan ko na sa ilang taong nakasama ko ang Hanabishi,” sabi ni Sotto.

Ang Hanabishi, na ngayon ay nagdiriwang ng ika-32 taong anibersaryo, ay patuloy na na­ngu­nguna sa industriya ng home appliances sa Pilipinas. Ang mga produkto nito ay maaring mabili sa mahigit 2,000 outlet sa bansa at sa online shopping platform na www.myhanabishi.com.

Para sa karagdagang impor­masyon, maaring i-follow ang Hanabishi sa Facebook @MyHanabishiAppliances at sa Instagram at Twitter @myhanabishi.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *