Sunday , April 13 2025

Sumaksak kay Jeron Teng, 2 cagers inasunto

SINAMPAHAN ng kaso sa Taguig City Prose­cutor’s Office ang dala­wang suspek na sumak­sak at nakasugat sa Alaska Aces guard na si Jeron Teng at sa dalawa niyang teammate sa De La Salle University, sa nangyaring gulo sa labas ng night bar sa Bonifacio Global City ,Taguig City, nitong Linggo ng mada­ling-araw

Nagpapagaling sa Saint Luke’s Medical Center Global City ang biktimang si Teng, 24, residente sa Mandalu­yong City, sa tama ng dalawang saksak sa likod at kanang tagiliran.

Sina Norberto Torres, 28, player ng Rain or Shine, at Thomas Christo­pher Torres, 23, dating La Salle guard, residente sa Makati City, ay may bahagyang sugat sa mga braso kaya agad nakala­bas ng ospital.

Isinailalim sa inquest proceeding sa Taguig City Prosecutor’s Office kaha­pon, dakong 11:00 am, ang dalawang suspek na sina Edmar Manalo, 40, Fil-Am, nakatira sa Arizona Ave., Milipitas, California; at Willard Balisi, 38, residente  sa Country Homes, Putatan, Muntinlupa City.

Kinasuhan ng physi­cal injury si Manalo habang si Balisi ay frustrated homicide.

Pinalaya si Joseph Varona, 33, residente sa Monte De Piedad, Para­ña­­que City, nang napatu­n­ayang umawat lamang siya sa nangyaring gulo.

Ayon kay Taguig City Police chief, S/Supt. Alexander Santos, sa kanilang imbestigasyon at sa nakuhang pahayag sa ilang mga testigo, sa loob pa lamang umano ng Early Night Club Fort Strip sa BGC ay nagka­kaasaran at nagkaka­initan na umano ang grupo ni Teng at grupo ng mga suspek.

Sinasabing masama ang tingin ng mga suspek sa kasamang babae ni Teng na si Jeanine Tsoi.

Inilayo ni Teng ang kasamang babae para maiwasan ang gulo.

Nang lumabas sina Teng dakong 2:30 am, nadaanan nila ang mga suspek sa parking lot ng club at sumisi­gaw ng ”Pa-autograph naman sa inyo.”

Ngunit nairita umano ang mga suspek dahil tinanggihan sila ni Teng.

Sa puntong ito nagka­roon ng pagtatalo ang dalawang grupo na pawang nakainom.

Lingid sa kaalaman ni Teng ay armado ng pata­lim ang mga suspek at sila ay inundayan ng saksak.

Agad dinala sa natur­ang pagamutan si Teng at ang dalawa pa niyang kasamahan.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *