Monday , December 23 2024

Nagbibigay ba kaya walang huli?

SUPORTADO nga ba ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU) ang kampanya ng gobyerno, LTFRB at MMDA laban sa mga kolo­rum?

Siyempre ang kasagutan ng pamu­nuan ng QCDTEU ay… naturalmente! Of course naman. Lamang, ba’t nagkalat pa rin ang kolorum sa Kyusi. May “terminal” pa sila.

Kung terminal, aba’y napakadali lang pala paghuhulihin itong mga kolorum. Excatly! Pero, ba’t tila untouchable ang grupo? Magkano este, ano ang meron para maging untouchable? Ano nga ba?

Sa info na nakuha natin, pagkaupo ni QCDTEU Supt. Delos Santos, kabilang sa direktiba niya ang giyera sa mga kolorum at paglilinis din sa hanay ng TEU o “internal cleasing.”

Ngunit, sinusunod ba ng pamunuan ng TEU Sector 3 ang direktiba? Oo naman siguro.

Kung gayon, paano nakalusot ang isang grupo ng kolorum na van sa AOR ng sector 3? Nagte-terminal sa kanto ng Mapagmahal at Matipuno streets; at sa kanto ng Mapagmahal at Malakas streets, Brgy. Piñahan, Quezon City.

Ang biyahe ng grupo ay Tuguegarao. Inuulit natin kolorum ang mga van dahil bukod sa wala naman van na biyaheng QC-TUGUEGARAO ay wala rin silang hawak na ano mang prangkisa. Pawang private vehicles/van ang makikitang nakaparada.

E ba’t malalakas ang loob ng grupo? Paano kasi ang mga van ay pagmamay-ari ng mga pulis, kawani ng LTO, at LTFRB. Ilan ngang pulis na may van dito at nakatalaga sa QC TEU.

Kaya naman pala e. Ang tanong, hindi kaya nakikinabang ang TEU Sector 3 sa mga kolorum? Kung ang sagot ng sector 3 ay hindi, bakit nakalulusot? Ano ang meron?

Anyway, kaya napili ng grupo ang lugar dahil may dalawang higanteng terminal ng bus malapit sa lugar na may biyaheng Tuguegarao.

Legal ang operasyon ng dalawang higanteng terminal na kapwa matatagpuan sa EDSA near corner Mapagmahal St.

So, alam n’yo na kung bakit may kolorum sa lugar? Hindi lang ngayon o bago ang gru­po. kung hindi matagtagal na ang kanilang opera­s-yon.

Sakit nga sa ulo (kolorum) ng pamunuan ng dalawang higanteng terminal.

Ang operasyon ng kolorum ay tuwing gabi lamang. Kanilang tinatarget na mga pasahero ay iyong mga walang reservation pauwing Tugue­g-arao at mga lalawigan o bayan na madadaanan gaya ng Nueva Vizcaya, at Isabela.

Para makakuha ng pasahero, may barker o tauhan silang umiikot sa terminal at nagtatawag/nakikipag-usap sa mga pasahero – kinakausap ang mga chance passenger na may van sa labas na biyaheng Tuguegarao.

Ang masaklap, kolorum na nga sila mas mahal pa ang kanilang sinisingil na pasahe.

Pero ano pa man, mahal o mababa ang singil nila, kolorum pa rin sila. Sa madaling salita, bawal kayo, at ilegal kayo!

Kaya, kung hindi kayang buwagin o paghuhulihin ng QCDTEU ang mga kolorum, tayo ay nananawagan sa MMDA na huwag lang sa araw magsagawa ng operaayon kung hindi maging sa gabi.

Uli, ba’t kaya hindi kayang banggain ng QCTEU ang sindikato ng kolorum na ito? Nagbibigay ba? Nagtatanong lang po tayo.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *