Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis na Korean tumalon mula 43/f patay

AGAD binawian ng bu­hay ang isang babaeng Korean national makara­an tumalon mula sa ika-43 palapag ng isang con­dominium sa Makati City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang bik­ti­mang si Kim Mihyun, 35, pansamantalang nanunuluyan sa Unit 43-C, 43rd floor, The Salcedo Park Tower 1 Condo­minium, HV Dela Costa St., Brgy. Bel-Air ng lung­sod.

Sa report kay Makati City Police chief, S/Supt. Rogelio Simon, nangyari ang insidente dakong 10:23 am sa terrace ng condominium na tinu­tuluyan ng biktima.

Sinabi ni Kim Young In, asawa ng biktima, habang natutulog ay ginising siya ng kanyang anak na babae at sinabing tumalon ang kanyang ina (biktima).

Aniya, noong Biyernes (1 Hunyo) dumating sila sa Filipinas para mag­bakasyon.

Napag-alaman din na taong 2016, noong naka­tira sila sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City ay dalawang beses nagtangkang mag­pakamatay ang biktima sa pamamagitan ng drug overdose dahil sa matin­ding depression.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …