MAY nadinig kaming kuwento tungkol sa mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador.
Magkasabay na guest ang mag-ina sa isang out of town show sa Pangasinan. Bongga ang fiestang pinuntahan nila roon.
Ang siste, hiwalay ang room ang mag-ina sa isang hotel at hindi akalain ng talent manager na iwanan nito sa hotel ang anak dahil madaling araw pa ay umalis na.
Kuwento pa ng talent manager, mabuti na lang libre ang tinulugang hotel na sponsored ng nag-imbita kung hindi baka siya pa ang pinagbayad sa hotel.
(VIR GONZALES)