GNERALLY peacefull and successful, ito ang paglalarawan ni Education Secretary Leonor Briones sa unang araw ng school year 2018-2019, nitong Lunes.
“Ang assessment namin dito sa Department of Education at sigurado naman ako marami naman ang mag-agree na generally peaceful, generally successful dahil maraming ginawang paghahanda ang department,” pahayag ni Briones.
Sinabi ni Briones, ang DepEd ay nakahanda sa pagbubukas ng klase, at tiniyak ang kahandaan ng mga eskuwelahan noon lang huling quarter ng 2017.
“Una, last quarter pa lang last year ay nagkaroon na tayo ng assessment ng readiness ng mga eskwelahan so doon nakikita kung aling mga eskwelahan ang kailangan pa ng tulong,” ayon kay Briones.
‘May mga criteria halimbawa sa classrooms, sa toilet, sa tubig, sa seats, sa laboratory equipment and so on. So ina-assess ‘yan at napakataas naman ng rating,” dagdag niya.