GUSTO palang makasama ni Bea Alonzo sa isang hapunan si Nora Aunor para maitanong kung paano ang maging isang phenomenal star?
Hindi pa nakakaharap ng personal ni Bea ang superstar kaya sa kanilang pagkikita ay marami siyang gustong itanong kasama na ang kagalingan sa pag-arte na wala namang acting workshop na pinagdaanan.
Alam nitong produkto ng Tawag Ng Tanghalan ang Superstar na sina Patsy at Pugo pa ang mga host noon. Gusto ring itanong ng batang aktres kung paano nadala ang kanyang kahusayan sa pagkanta sa pagpasok sa showbiz?
Samantala, pangarap pala ni Bea mula noong bata pa ang sky diving na hiniling niyang regalo sa ika-18 kaarawan noon. Subalit hindi iyon napagbigyan kaya naman pangarap pa rin niya ito hanggang ngayon.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu