DESIDIDO talaga si Andrea Torres sa kanyang sexy image kaya handa siyang magpa-sexy sa mga role na ibibigay sa kanya ng GMA.
Isang bagay ang nalinaw sa isang blind item na isang Kapuso star ang lumipat sa Kapamilya dahil sa mga sexy role na ibinibigay. “Handa akong magpa-sexy kaya hindi ako ‘yun. Bakit naman aayaw eh, sexy image talaga ang ipino-project ko. At saka nakapirma na ako ng another contract sa Kapuso,” paglilinaw nito.
Inamin nitong gusto niyang pumapel ng superhero para magamit ang kaalaman sa action routine. “Mahilig ako sa action, eh. Sobrang na- enjoy ko ang role ko sa ‘Robinhood’ na may action at gray role ang ginagampanan ko. Ipe-pray ko na lang kaysa sabihin ko sa GMA na gusto ang ganitong role,” wika nito.
Inamin nitong kinikilig siya kung may mga barakong nagkakagusto sa kanyang kaseksihan. Kaya lang, kung kailan siya nagkapangalan ay at saka dumalang ang mga barakong humahanga sa kanya.
“Nagkaroon naman ako ng mga boyfriends before, nagkaroon din ng experiences pero ngayon, wala eh. May mga nagpapakilala naman pero mahirap silang i-maintain dahil conflict na sa schedules ko.”
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu