Saturday , November 16 2024

‘Whitewash’ sa Okada case leakage pinalagan

READ: Piskal ipinahamak ng ‘lover’ ni Okada

READ: Piskal lagot sa DOJ (Sa leak ng ‘lover’ ni Okada

IGINIIT ng isang Japa­nese gaming firm, dapat hawakan ng Department of Justice ang imbesti­gasyon sa leakage ng mga dokumento ukol sa US$10 milyong kaso ng estafa laban sa gaming tycoon na si Kazuo Okada

“A self-serving probe ordered by the city prosecutor is a prelude to a whitewash,” ayon sa Tiger Resorts Leisure &Entertainment Inc. (TRLEI),

Sa isang reklamo, hiniling ng TRLEI kay Justice Secretary Menardo Guevarra na parusahan si Parañaque City Prosecutor Amerhassan Paudac dahil sa kanyang paglabag sa rules and procedures, at  Code of Conduct for Prosecutors sa paghawak sa mga kaso na nakasalang sa kanyang tanggapan.

Naunang inakusahan ng TRLEI si Paudac ng bias at partiality sa leakage ng mga kopya ng kanyang mga resolusyon na nagbabasura sa mga kasong estafa laban kay Okada kung ang mga dispositive na bahagi nito ay lumagpak sa  social media accounts ng Korean national na si Chloe Kim na pinaniniwalaang ‘lover’ ni Okada.

Ang TRELI ang may-ari at operator ng ma­rang­yang Okada Manila sa malawak na Entertainment City sa Parañaque na si Okada ang chief operating officer bago siya patalsikin dahil sa pagwawaldas nang mahigit US$10 milyong pondo ng kumpanya.

Sa reklamo, hiniling ng TRLEI kay Guevarra na pigilan si Paudac sa pag-iimbestiga ng leak na umano’y ipinag-utos ng huli dahil sa pangambang magkaroon  ng  ‘whitewash’ sa imbestigasyon gayon­din ang mabigyan daan ang paglilipat ng kaso sa justice chief.

Kailan lang ay hiniling ng TRLEI ang pag-iimbestiga kay Paudac bunsod na rin ng mga nasabing leak. Hiniling din ng kompanya ang pagbitaw ni Paudac kaso na nakasalang sa kan­yang tanggapan.

Bumitaw din naman si Paudac ngunit hindi niya ikinaila na ang mga nasabing resolusyon ay nai-leak at tuluyang inilabas habang iginigiit na walang pagbabago sa sinasabi ng mga doku­mento.

Sa halip i-turnover ang mga rekord ng mga kaso sa DOJ at dumis­tansiya rito, nagbuo si Paudac ng panel upang imbestigahan ang leak at hiniling sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng forensic examination sa social media account ni Kim upang malaman kung ang mga posts nito ay “are fake or not, and how and from whom said account holder was able to obtain said photo­graphs.”

“The formation of an investigating panel when he himself would be investigated is improper, self-serving and un­justified, and would only preempt the investigation that should be conducted by the DOJ,” pahayag ng TRLEI.

Hiniling ng TRLEI kay Guevarra ipabalewala ang order ni Paudac na mag-imbestiga at pigilan ang panel na magsagawa ng pagsusuri sa leakage.

“It is the DOJ, not the panel formed by Paudac that should properly investigate the leakage of resolutions that happen­ed at the Paraña­que prosecutor’s office,” ayon sa TRLEI.

Sinampahan ng TRLEI si Okada ng kaso sa  Parañaque Prose­cutor’s Office dahil sa  unauthorized disburse­ments nang mahigit US$10 milyong pondo ng kompanya sa pagitan ng 2016 at June 2017.

Si Okada ay nahaha­rap sa iba pang mga kaso sa South Korea, Hong Kong at Japan. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *