MAGTATALAGA ang National Capital Region Police Office ng aabot sa 5,000 uniformed personnel sa mga eskuwelahan sa pagbubukas ng klase ngayong Lunes para sa school year 2018-2019.
Sinabi ni NCRPO chief, C/Supt. Guillermo Eleazar, ang police personnel ay daragdagan pa ng mahigit 4,000 force multipliers katulad ng barangay tanods at private security guards.
Nauna rito, sinabi ni Eleazar, ang karagdagang police visibility ay upang pigilan ang mga kriminal na mabiktima ang mga estudyante.
“We will lessen the window of opportunity for them to do their thing,” aniya.
Habang pinaalalahanan ni Eleazar ang mga estudyante na huwag magdadala ng mamahaling gadgets sa eskuwelahan upang hindi matukso ang mga magnanakaw.
“Tulong-tulong po tayo at male-lessen ang krimen,” dagdag niya.
Samantala, welcome kay Eleazar ang pagtatalaga sa bagong 911 emergency hotline para sa pagsugpo sa krimen at pagtiyak sa kaligtasan ng publiko.