INIUTOS ni Environment Sec. Roy Cimatu nitong Huwebes ang imbestigasyon sa naganap na sunog na tumupok sa Land Management Bureau (LMB) sa Binondo, kamakailan.
Tinatayang aabot sa P100 milyon halaga ng mga kagamitan at mga dokumento ang natupok sa sunog na nagsimula sa LMB building sa ika-pitong palapag, at mabilis na kumalat ang apoy sa tatlong iba pang establisiyemento, kabilang ang National Archives.
Hinala ng mga awtoridad, arson ang naganap dahil ayon sa isang empleyado, nakarinig sila ng pagsabog bago nagsimula ang sunog.
“Cimatu orders probe into media reports that arson may have caused Monday’s pre-dawn fire that gutted the LMB building in Binondo,” ayon sa Environment Department sa kanilang Twitter account.
“While we hope that this is not the case, arson is a serious crime and the #LMB fire significantly impacts Filipinos who place premium value on land,” ayon kay Cimatu.
Ayon sa DENR, ang LMB ay nagbukas ng temporary assistance desk sa lobby ng DENR Central Office sa Quezon City upang tugunan ang land-related queries habang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.
HATAW News Team