Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

James, muling nabulabog kay Kris

UNWITTINGLY o hindi namamalayan ay binubulabog ni Kris Aquino ang ngayo’y nananahimik na buhay ni James Yap.

Ito’y sa pamamagitan ng kanyang pag-post ng litrato kasama ang head ng isang communications department ng isang popular na food company na James ang pangalan.

Saad sa post ni Kris, “Thanks you for the new James in my life.” Nagpapasalamat si Kris sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya nito para sa pa-eendoso ng tatlo sa kanilang mga produkto.

Dahil dito’y umani ng batikos si Kris na mabilis namang sinalag ang kanyang post. Coincidence o nagkataon lang ‘yon, pero matagal na siyang nakausad o move on.

Knowing Kris, hahanap at hahanap siya ng paraan para maikonek sa personal niyang buhay ang mga bagay na may kinalaman sa kanyang career. Bilang endorser ng mga produktong ’yon ay talaga namang labas si James Yap, pero nahanapan ‘yon ng link ni Kris.

Maaaring ‘di yon sinasadya, pero sa palagay nami’y hindi pa totally nakaka-move on si Kris sa naging nakaraan nila ng dating karelasyon na nagtapos sa isang bitter note.

Kris will always find a way to drag James’ name sa kung anuman ang kanyang mga gawain o proyekto,  lalo’t ang endorsement na ‘yon ay milyones ang pinag-uusapan, bagay na ibinubutas niya kay James representing his supposed financial support para sa anak nilang si Bimby.

Kung kilala ng madlang pipol si James, siya ang tipong ipagkikibit-balikat na lang ang ginawang pangangalampag sa kanya ni Kris.

The least na inaasahang reaksiyon mula sa basketbolista ay isang matipid na ngiti, wa dayalog. Silent movie lang ang peg.

‘Yun ay dahil kabisado na niya ang karakas ng kanyang ex-wife. The more na mag-react si James sa indirect reference sa kanya, the more and the longer lang ang lalakbayin ng usapang wala naman siyang pakinabang o ganansiya.

Well nd good for Kris na mayroon na naman siyang bagong product endorsement, this apart sa rami ng kanyang pinagkukunan to support the needs of her kids.

Pero James man o hindi ang first name ng corporate head ng nasabing food company ay hindi na dapat pang may kabuntot na hanash na “new James in my life” ang pasasalamat ni Kris.

Ang phrase na ‘yon, sa aminin man o hindi ni Kris, ay gumigising na naman ng isang nahihimlay nang isyu.

Sabi nga, let sleeping dogs lie.

Sa palasak na pagsasabi, past is past.

Pero ang nagsasalita’y si Kris Aquino na hindi maaaring busalan ang bibig sa kung anuman ang gusto nitong sabihin.

ni RONNIE CARRASCO III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …