Friday , November 15 2024

Impeachment at Quo Warranto, isang paliwanag

TINANGKA ng Usaping Bayan na bigyang linaw ang Impeachment nitong nagdaang Miyer­koles. Ngayon naman ay tatalakayin natin ang Quo Warranto para lalo nating maintindihan kung ano talaga ang nangyari at kung bakit marami ang naguluhan dito.

Ang Quo Warranto ay isang proseso sa batas na nagbibigay kapangyarihan sa Solicitor General o kung sino mang prosecutor na magsasampa ng petisyon laban sa isang opisyal ng pamahalaan na sinasabing napaupo sa puwesto nang hindi ayon sa batas o sa kadahilanan na isa itong usurper ng kapangyarihan.

Ayon sa Section 1 ng Rule 66 (Quo Warranto) ng 1997 Rules on Civil Procedure: Action by Government against individuals. — An action for the usurpation of a public office, position or franchise may be commenced by a verified petition brought in the name of the Republic of the Philippines against:

(a) A person who usurps, intrudes into, or unlawfully holds or exercises a public office, position or franchise;

(b) A public officer who does or suffers an act which, by the provision of law, constitutes a ground for the forfeiture of his office; or

(c) An association which acts as a corporation within the Philippines without being legally incorporated or without lawful authority so to act. (1a)

Nilimitahan din ng Section 11, Rule 66 sa isang taon ang panahon kung kailan dapat isampa ang Quo Warranto. Ayon dito: Limitations – Nothing contained in this Rule shall be construed to authorize an action against a public officer or employee for his ouster from office unless the same be commenced within one (1) year after the cause of such ouster, or the right of the petitioner to hold such office or position, arose, nor to authorize an action for damages in accordance with the provisions of the next preceding section unless the same be commenced within one (1) year after the entry of the judgment establishing the petitioner’s right to the office in question.

Ginamit ni Solicitor General Jose Calida ang Paragraph (a) ng nasabing Rule 66 sa kanyang Quo Warranto petition na isinampa sa Korte Suprema laban kay Chief Justice Maria Lourdes PA Sereno, kahit anim na taon nang nanunungkulan.

Ang Section 1, Paragraph (a) ng Rule 66 ang pinagbatayan ng mga mahistrado ng Mataas na Hukuman para bigyan ng legal na katuwiran ang kanilang desisyon na tanggapin ang petisyon ni Calida na naging daan para maalis sa puwesto si Sereno. Sinabi ni Calida na hindi umano nag-file ng Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) si Sereno sa loob ng 10 taon noong siya ay nagtuturo pa sa Unibersidad ng Pilipinas o UP at dahil dito sa simula pa lamang ay hindi siya dapat naging punong mahistrado ng Korte Suprema.

Hindi binigyang halaga ni Calida na alam na noon pa ng Judicial and Bar Council (JBC) ang isyu tungkol sa SALN ni Sereno. Hindi rin niya pinansin na si Associate Justice Diosdado Peralta ang pinuno ng JBC, na siyang nagrekomenda kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III para maging Chief Justice si Sereno.

Si Peralta ang isa sa mga mahistrado na pumabor sa petition ni Calida sa kabila ng petition ni Sereno na mag-inhibit siya sa usapin dahil nga sangkot din siya rito bilang pinuno noon ng JBC at malinaw na bias siya laban sa kanya.

Ang pagtanggap sa Quo Warranto petition ni Calida bilang paraan ng pag-aalis sa poder ng isang Chief Justice o mahistrado ng Mataas na Hukuman ang dahilan kaya kontrobersiyal at hindi matanggap ng marami ang pasya ng mayorya sa mga kasama ni Sereno sa Korte Suprema.         

     (May kasunod sa Miyerkoles)

***

Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po. Pasyalan n’yo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes.

USAPING BAYAN
ni Nelson Forte Flores

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *