Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gunman sugatan sa parak (Trike driver binoga todas)

AGAD binawian ng buhay ang isang 24-an­yos tricycle driver maka­raan pagbabarilin ng isang lalaki na ngayon ay kritikal ang kala­gayan nang makipag­palitan ng putok sa pulis sa kanto ng Morio­nes at J. Luna streets, Tondo, Maynila, kaha­pon ng madaling-araw.

Ayon kay Delpan PCP commander, S/Insp. Edwin Fuggan, nagpapatrolya sila nang umalis ang kanyang tauhan na si PO2 Christian Jay Cruz Bul­lecer upang bumili ng tubig at pagkain sa malapit na convenience stores sa nasabing lugar.

AGAD nalagutan ng hininga ang 24-anyos tricycle driver na si King Arthur Roque makaraan pagbabarilin ni Charlie Inocencio, 21, ngayon ay malubha ang kalagayan sa pagamutan nang makipagpalitan ng putok kay PO2 Christian Jay Cruz Bullecer sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw. (BRIAN GEM BILASANO)

Ngunit naaktohan ni Bullecer ang pamamaril ng suspek na si Charlie Inocencio, 21, residente sa 13 Franco St., Tondo, Maynila, kay King Arthur Roque, nakatira sa Aguila St., ng nasabing lugar, na ikinamatay ng biktima.

Agad nagpakilalang pulis si Bullecer at pina­susuko ang suspek ngu­nit pinaputukan siya ni Inocencio. Humantong ito sa habo­lan at palitan ng putok ngunit nang masu­kol ang suspek ay bumagsak nang tamaan ng pulis.

Isinugod ni Bullecer sa Gat Andres Medical Center ang suspek na kasalukuyang nasa ma-lubhang kalagayan.

Na-pag-alaman na si Bullecer ay nakatalaga sa MPD PS2 Station Drug Enforcement Unit. (BRIAN GEM BILA­SANO, may ulat nina Renzy Seangoy at Nicole Moya)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …