Saturday , November 16 2024

10 Bulacan cops sinibak sa extortion

INIUTOS ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde nitong Huwebes ang pagsibak sa 10 police officers mula sa Bulacan dahil sa umano’y pangongotong.

Sinabi ni Counter-Intelligence Task Force (CITF) commander, S/Supt. Romeo Caramat, ang sampung pulis ay sinampahan ng mga kasong kidnapping, robbery in band at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa paghingi ng pera kapalit sa paglaya ng ilang indibiduwal na inaresto sa “unkown crime.”

Kinilala ang mga sinibak na sina S/Insp. Wilfredo Dizon Jr., SPO4 Gary Santos; SPO2 Christopher Aragon; SPO1 Dante Castillo; SPO1 Jophey Cucal; SPO1 Rolando Ignacio Jr; PO3 Dennis De Vera; PO2 Rosauro Enrile; PO2 Nicanor Bautista; at PO2 Chester Say-eo.

Ang nasabing mga pulis ay kinilala ng mga complainant na nagsabing humingi sa kanila ng P50,000 kapalit ng kanilang paglaya makaraan silang arestohin noong 19 Mayo.

Sinabi ni Albayalde, ikinokonsidera nilang ilipat ang sampung police officers sa mga lugar na nangangailangan ng maraming pulis.

“Una na silang nahainan ng kaso and they’ll be filed administrative cases also at ipinapa-relieve na muna natin sila from Police Regional Office 3,” ayon kay Albayalde.

“Nagbigay na ko ng direktiba as of today na i-relieve muna natin sila temporarily and probably candidate din sila na puwedeng dalhin sa mga lugar kung saan kulang ang ating mga pulis,” dagdag niya.

Sinabi Bulacan Police Provincial Office acting director, S/Supt. Chito Bersaluna nitong Miyerkoles, si Supt. Rizalino Andaya ay sinibak din sa kanyang puwesto dahil sa command responsibility.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *