WALANG plano si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Solicitor General Jose Calida kahit nabisto ang multi-milyong pisong kontrata na nakopo ng kanyang security agency sa gobyerno.
Ipinagtanggol ni Pangulong Duterte si Calida sa isyu ng security agency ng kanyang pamilya dahil pinaghirapan aniya ng SolGen hanggang magretiro kung anoman ang mayroon siya ngayon at ang kanyang pamilya kaya bakit bibigyan ito ng malisya.
Sinabi rin ng Pangulo na magaling si Calida kaya bakit niya sisibakin sa puwesto.
Si SolGen Calida ang nagsampa ng quo warranto petition sa Korte Suprema na ikinatanggal ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
(ROSE NOVENARIO)