Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marlo Mortel, excited na sa kanyang first solo album!

IPINAHAYAG ni Marlo na excited na siya sa paglabas ng kanyang first ever solo album mula Star Music at Mercator Incorporated ng manager niyang si Jonas Gaffud. Nabanggit din ni Marlo na sa ngayon ay mas tututukan niya ang singing career sa nalalapit na paglabas ng kan­yang solo album.

Esplika niya, “Etong album ko na ito ang pinakamalapit sa heart ko dahil ako ang gumawa ng mga kanta and no doubt, magaganda talaga (siya), for sure. Ipa-promise ko iyon.”

Masasabing isang col­lector’s item ang naturang album ni Marlo, kaya hindi ito dapat palagpasin lalo ng avid followers niya dahil bukod sa konektado ito sa kanyang buhay, siya ang sumulat sa lahat ng kantang nakapaloob sa nasabing album. Idinagdag niyang, “It’s a piece of me, kasi it’s my life talaga.”

Ayon kay Marlo, ang album, niyang ito ay parang kuwento raw ng mga totoong mga pang­yayari sa kanyang buhay. Originally, limang kanta lang dapat ang magiging laman ng album niya, pero pinadagdagan pa ng Star Music dahil nagan­dahan sila sa mga na-compose niyang piyesa.

Nang tanungin namin kung first time lang ba na maglalabas ang isang artist ng album na siya rin mismo ang nag-compose ng lahat ng kanta rito, ang sagot niya ay, “Hindi ko po alam, pero ayun nga, ako ang nag-compose ng lahat ng songs dito. Related siya sa love story ko, hahaha!” Nakatawang tugon niya.

Hindi pa raw niya puwedeng sabihin sa ngayon ang laman ng album niya, kaya hindi niya matukoy ang pinaka-paborito niyang cuts dito.

“Hindi ko pa puwedeng sabihin dahil hindi pa out (iyong album), pero alam ko na ‘yung line-up. Then, siyempre pinaka-espesyal ‘yung song sa mommy ko. Dapat hindi talaga kasama ‘yun e, ‘yung sa mommy ko. Kasi nga parang iyon ‘yung mga time na super hirap na hirap na ako, kaya nakagawa ako ng kanta,” seryosong esplika ni Marlo.

Nagpapasalamat din si Marlo sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya, kabilang na ang ABS CBN, specially ang fans club niyang Marlo’s World (na nagdiwang recently ng kanilang 5th anniversary) sa walang sawang pagbibigay sa kanya ng unconditional love and support.

Incidentally, huwag palam­pasin ang MMK this Saturday sa natatanging episode na mapa­panood si Marlo with McCoy de Leon at iba pa, bilang apat na magkakapatid na lahat ay may Parkinson’s disease. Si Marlo ay regular ding napapanood bilang segment host sa Umagang Kay Ganda.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …