Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2nd EDDYS Nominees Night, rarampa na sa June 3

MAGSASAMA-SAMA sa gaganaping Nominees Night ang mga nominado sa 14 kategorya ng 2nd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) bago ang pinakaaabangang gabi ng parangal.

Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), Globe, OneMega Group, at Wish 107.5 FM station, rarampa ang mga nominado sa idaraos na Nominees Night  sa June 3, 5:00 p.m., sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.

Dito personal na ipamamahagi ng mga opisyal na SPEEd at ng FDCP, sa pangunguna ni Chairman Liza Diño, ang certificates of nomination. Magsisilbing host ang Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Ilan sa guest performers ay sina Dessa, Katrina “Suklay Diva” Velarde, at ang singer-actress-songwriter na si Hazel Faith.

Magkakaroon din ng pagkakataon ang mga nominado na mainterbyu sa loob ng pamosong Wish Bus mula naman sa fastest-growing FM station na Wish 107.5.

Samantala, ang awards night para sa 2nd EDDYS ay magaganap sa  Hulyo, sa pakikipagtulungan pa rin ng FDCP at ng Globe sa pamamagitan ni Senior Vice-President Yoly Crisanto.

Pagkatapos ng awards night, magkakaroon ng bonggang after-party na tatawaging The EDDYS Mega Party sa pangunguna ng OneMega Group.

Sa direksiyon ni Paolo Valenciano, inaasahang mas magiging malaki at mas exciting ang ikalawang pagbibigay parangal ng SPEEd sa mga natatangi at de-kalidad na pelikula noong 2017.

Ang Globe Studios ang major presenter habang ang Wish naman ang hahawak sa production ng 2nd EDDYS.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …