Saturday , November 16 2024

2 Chinese nat’l patay sa ambush sa Maynila

PATAY ang dalawang Chinese nation­al makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek na lulan ng dala­wang motorsiklo, ang sinasakyan ni­lang kotse sa Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa kanto ng Roxas Boulevard at Pedro Gil street.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang nasa passenger seat na kinilalang si Huocheng Chen.

Habang ang driver ng kotse na kinilalang si Chen Weishing Lee, ay naisu­god pa sa ospital ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Ayon sa isang testigo, dalawang motorsiklong may lulang tig-dalawang lalaki, ang lumapit sa kotse ng mga biktima habang naka-stoplight. Pagkaraan ay pinagba­baril ng mga suspek ang sasakyan ng mga biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek maka­raan ang pamamaril.

Patuloy na iniimbes­tigahan ng mga awtori­dad ang insidente.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *