Kaugnay nito, tinuligsa ng grupong PhilHealth WHITE ang presidenteng si Dr. Celestina Ma. Jude dela Serna dahil sa hindi makatarungang pagtrato sa kasalukuyang mga empleyado ng naturang government corporation.
Ayon kay Maria Fe Francisco, Interim-President ng Philhealth WHITE, hindi lamang posibleng bumagsak ang pananalapi ng korporasyon kundi maaapektohan din ang serbisyong ipinagkakaloob sa mga pasyente.
Sa pag-upo ni Dela Serna, 18 kawani ang agad na tinanggal nang walang kadahilanan.
Ang nakalulungkot para sa grupo ni Francisco, tila walang puso para sa mamamayang Filipino si Dela Serna dahil hindi niya binigyang halaga ang dedikasyon ng ilang mga kawani at manggagawa na bahagi ng Team PhilHealth.
Malungkot ang mga kawani ng PhilHealth sa isinagawang hearing sa komiteng pinamumunuan ni Ejercito, dahil hindi natalakay ang tunay na nagaganap sa loob ng PhilHealth.
“Kung may pananagutan sina dating Health Secretary Janet Garin at dating PhilHealth President Alexander Padilla, panagutin sila pero dapat umanong ‘arestohin’ ang pagpapatuloy ni Dela Serna sa bulok na sistemang iniwan ng mga nauna sa kanya at tila estilong Mafia na paggamit sa pondo at pagtrato sa mga empleyado.
Nanawagan ang PhilHealth WHITE na panahon na para busisiin ang paglulustay ng mga opisyal sa pondong mula sa “dugo at pawis” ng mga empleyado at manggagawa ngunit pinagpapasasaan ng iilan.
Kaugnay nito muling iminungkahi ni Senador Sonny Angara na palawigin pa ang ipinagkakaloob na benepisyo o serbisyo ng PhilHealth katulad ng free check-ups, laboratory tests at gamot para sa lahat ng Filipino.
“The primary care benefit package aims to improve access to outpatient medicines, reduce hospitalization, and improve the health of patients with non-communicable diseases long before their conditions become catastrophic. Tiyak na malaki ang matitipid ng PhilHealth kung ang lahat ng miyembro nito ay may access sa primary care services,” ani Angara.