NADAMAY sa malaking sunog sa Binondo, Maynila ang opisina ng National Archives of the Philippines na nasa Juan Luna Building sa loob ng Plaza Cervantes.
Una munang sumiklab ang sunog sa Land Management Bureau nitong madaling-araw ng Lunes, hanggang tumawid sa Juan Luna Building.
Sa National Archives of the Philippines nakalagay ang aabot sa 60 milyong dokumento mula noong panahon ng mga Kastila hanggang sa mga panahon ng Republika ng Filipinas, ayon sa website nito.
Ngunit ayon sa historians at scholars mula sa University of the Philippines, admin office lamang ang nadanay sa sunog. Ang aktuwal na archive ay nasa mga tanggapan sa Kalaw at Paco.
Mandato ng National Archives na ipreserba ang mga aktuwal na papeles at dokumentong magagamit bilang primary sources sa kasaysayan ng bansa.
HATAW News Team