Saturday , November 16 2024

Cedric Lee guilty sa kidnapping (Anak kay Morales ‘di isinauli)

NAPATUNAYANG guilty ng local court ang negosyanteng si Cedric Lee sa kidnapping sa kanyang anak na babae sa actress-singer na si Vina Morales.

Ayon sa Mandalu­yong City Regional Trial Court, si Lee ay “guilty beyond reasonable doubt” kaya iniutos ang pagbabayad ng multang P300,000 at moral and nominal damages sa halagang P50,000.

“The action of the accused in not im­me­diately returning the custody of minor Ceana was premeditated, inten­tional and malicious, as he adamantly refused to return the custody of minor Ceana to the private complainant, through her sister, when he is legally obligated to do so,” ayon sa korte sa desisyong isinulat ni Presiding Judge Anthony Fama.

Inihain ni Morales noong 2016 ang kaso laban sa kanyang dating boyfiend, na aniya’y nilabag ang court ruling na nagpapahintulot sa akusado sa pagbisita sa kanilang anak na si Ceana, tuwing Sabado.

Sinabi ni Morales na ikinulong ni Lee si Ceana noong 13-22 Mayo 2016 at ang kanilang anak ay nakaranas ng “slight behavioral changes” ma­ka­raan ang insidente.

Itinanggi ni Lee ang mga akusasyon ni Mora­les, tinawag niyang mga kasinungalingan, at pag­karaan ay naghain ng libel charges laban kay Mora­les.

Nanindigan siyang wala siyang ginawang mali kay Ceana sa loob ng siyam araw, at sina­bing may utang si Mora­les na 10 araw na kasa­ma ang kanilang anak.

Nitong nakaraang taon, ang dalawang libel charges na inihain ni Lee kay Morales ay na-dismiss.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *