Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria Atayde, inspirasyon ang inang si Sylvia Sanchez bilang aktres

SI Ria Atayde ang naging representative ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez sa ginanap na Pasado Awards recently para sa award ng kanyang mommy na Pinaka­pasadong Aktres sa Tele­serye (Hanggang Saan). Nasa Hong Kong kasi that time si Ms. Sylvia, with Matt Evans, Arjo Atayde, Shyr Valdez, at iba pa sa launching ng Beautederm Clinic kasama ang may-ari nito si Ms. Rei Ramos Anicoche-Tan.

Inusisa namin si Ria kung ano ang na-feel niya na siya ang kumatawan sa kanyang mommy Sylvia?

Saad ni Ria, “Nakakahiya po kasi ang laki ng award at mag-isa lang ako, hahaha! And inspiring, kasi sana someday ako rin po ay magkaroon ng ganoong award.”

Parang mas na-feel mo ba kung gaano kagaling siyang aktres dahil ang dami na niyang awards, ‘di ba? “Opo. Happy for her. And I can only hope to receive the same award in the future,” masayang saad ng magandang Kapamilya aktres.

Since marami ng award ang mom mo, pati si Arjo, may pressure ba iyon sa part mo? “Wala naman po. But of course, it would be nice to receive that too,” pakli ni Ria.

Dagdag niya, “Nagsisilbing inspiration po sa akin ang mga acting awards ni mommy, it’s something to work for. But not naman a main goal.”

Incidentally, isa si Ria sa mapapanood sa Wansapa­nataym: Ofishially na umere na two Sundays ago. Tampok dito si Elisse Joson bilang si Stella, isang dalagang tinitingala para sa kanyang ganda ngunit kinai­inisan naman dahil sa kanyang ugali.

Inusisa namin si Ria hinggil sa papel niya rito at kung sino pa ang ibang ka­sama niya sa na­turang episode ng Wansa­pana­taym?

“Merlina po ‘yung name ko rito, bale anak ako ni Giselle Sanchez. Isa akong su­pla­dang sirena po rito. Bukod sa amin nina Elisse at Giselle, mapapa­nood din dito ang BoyBand PH (na binubuo ni­na Joao Cons­tancia, Niel Murillo, Tristan Ra­mirez, Russell Reyes, at Ford Valencia), Janice de Belen, Jeric Raval, Raphael Robes, Sam Rimando, Nico Antonio, at iba pa,” saad ni Ria.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …