NAGLABAS ng sama ng loob sa amin ang isang talent manager.
Ayon sa kanya, masama ang loob niya sa dating alagang aktres. Paano kasi, ay umalis ito sa kanyang pangangalaga gayung wala naman siyang natatandaang may nagawang mali rito.
In terms of project naman ay lagi niya itong nabibigyan. Lagi siyang humahanap ng project para sa dating alaga, hindi siya nagkulang sa pag-aasikaso rito.
Kaya laking gulat na lang niya nang magpaalam ito sa kanya, na hindi na ito magpapa-manage sa kanya. At wala itong ibinigay na dahilan.
At ang ikinaloka ng talent manager, thru text lang nagpaalam ang aktres sa kanya.
(Rommel Placente)