HINDI kinompirma ni Dingdong Dantes na buntis uli ang kanyang misis na si Marian Rivera.
Aniya, walang magiging pressure sa kanila kung magbubuntis muli ang aktres sa taong ito o sa susunod na taon. Tamang panahon na para masundan ang kanilang si Baby Zia na magtatatlong taon na sa Nobyembre.
Natanong din namin ang aktor kung magiging child star si Baby Zia dahil ayon na rin sa pagkukuwento nito, walang hiya-hiya ang anak at umaarte sa harap ng kamera. Sanay din itong mag-pose kahit sa maraming tao.
“Pag-aaral muna ang aatupagin nito kaysa pag-aartista. May plano na kami sa bata at kung maging artista man siya siguro sa tamang panahon,” sey pa ni Daddy Dong. (Alex Datu )