MAKE or break para kay Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison ang dalawang buwang ‘window’ na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa isinusulong na peace talks.
Bagamat ginagarantiyahan ng Pangulo na ligtas na makararating sa bansa si Sison mula sa The Netherlands, kung nakakuha siya ng asylum, hindi naman niya nanaisin na bumalik pa sa bansa ang huli kapag nabigo ang peace talks.
Ayon sa Pangulo, kapag wala pa rin nangyari, personal niyang ihahatid si Sison sa airport para umalis ng Filipinas.
Pero pakikiusapan umano niya si Sison na huwag nang bumalik sa bansa dahil kapag umuwi pa ng Filipinas, kanya itong papatayin.
Marapat lamang aniya na patayin na si Sison dahil sa dami ng mga sundalo at pulis na pinapatay niya sa rebeldeng grupo.
ni ROSE NOVENARIO