Tuesday , December 24 2024

Sakripisyo at statesmanship ni Koko, pinuri ng PDP Laban

PINAULANAN ng papuri ng mga tunay at tapat na kasapi ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) ang kanilang Party President na si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa kanyang kapan­sin-pansing sakripisyo para sa higit na ikabubuti ng Senado at ng bayan noong Martes.

Pinili ni Pimentel si dating Senate Majority Floor Leader Vicente Tito Sotto III bilang kanyang kapalit upang tuparin ang pangakong bababa siya sa tungkulin bilang paghahanda sa kanyang reeleksiyon sa 2019 midterm elections.

“Ipinakita ni Pimentel ang kanyang husay at states­man­ship na inaasahan sa isang lider ng ruling Party na unahin ang interes ng bansa at ng kanyang institusyon kaysa personal na kagustuhan,” sabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi, na tumatayong National Vice Chair­man ng PDP Laban.

Tinanggap ni Cusi ang pinakahuling pagbabago sa paniniwalang maitutuon ni Sen. Pimentel ang kanyang atensiyon sa pagsabak ng kanilang partido sa halalan sa 2019 gayondin ang pangunahin nilang adbokasiya na Federalismo.

“Bilang mapagka­katiwala­ang partner ni Pangulong Duterte sa Senado, mapasisigla niya ang mga kasapi ng Partido dulot ng dagdag niyang partisipasyon sa araw-araw na gawain ng Partido upang maipakalat ang aming layunin,” dagdag ni Cusi.

Sinusugan ng mga opisyal ng PDP Laban sa buong kapuluan ang saloobin ni Cusi.

“Ipinamalas ni Sen. Pimentel na sinusunod ng PDP Laban ang mga itinuturo niya. Ihahatag namin ang Pagbabago sa estruk­tura ng mga institusyon pati na rin sa kulturang politikal ng bansa. Palagi naming inuuna ang interes ng bayan,” pahayag ni House Speaker at PDP Laban Secretary General Pantaleon Alvarez.

“Mula sa Chairman hanggang sa mga local chapter, dama ni Sen. Pimentel ang katapatan at pagtitiwala ng bawat miyembro ng Partido. Ang aming respeto sa kanya ay higit pang pinaganda ng kanyang mga aksiyon na nagpapatunay na isa siyang statesman sa pinakamataas na kalibre,” ani Special Assistant to the President at PDP Laban National Auditor Christopher Bong Go.

“Tinatanggap ko ang desi­syon ni Sen. Pimentel na ipokus ang kanyang panahon sa pagpapalakas ng PDP Laban at pagpapalaganap ng Federalismo. Ito ang pinakamabuting paraan para masuportahan namin ang Pagbabago na ipinangako ng aming Party Chairman na si Pangulong Rodrigo Duterte,” ani Governor Leopoldo Dominic Mic Petilla ng Leyte.

“Hihintayin ko ang pagkaka­taong makita si Sen. Pimentel na naglilingkod sa mga kanayunan. Bilang kaibigan ng mga lokal na pamahalaan, ang kanyang pre­sensiya sa aming mga gawain para mapalaganap ang Federa­lismo ay magpapalakas pa sa kredibilidad ng aming layunin,” sabi ni Socorro, Mindoro Oriental Mayor Maria Fe Brondial, National President ng League of Munici­palities of the Philippines.

“Napakarami nang natamo ni Sen. Pimentel bilang isang lehis­lador, kasama siya sa pagpapasa ng maraming priority bills ng administrasyon. Nagtiti­wala ako na ang kanyang talento ay magpapasigla sa aming pagkilos para magawang isang Federal Republic ang Pilipinas,” diin ni Masbate Vice-Governor Jo Kristine Kaye Celera-Revil, President ng Lady Local Legislators League of the Philip­pines

“Dinanas ng Senado sa ilalim ng pamumuno ni Sen. Pimentel ang mataas na public approval at napakaepektibo sa pagpapasa ng lehislatibong adyenda ng administrasyong Duterte. Ngayong pinili niyang ituon ang kanyang talento sa Partido at Federalismo, umaasa ako na mas lalakas pa ang PDP Laban. Ang kanyang kaalaman bilang guro ay malaking tulong sa aming pagkilos na mapal­aganap ang Federalismo sa taongbayan,” pahayag ni dating Governor Sakur Tan, PDP Laban ARMM Regional President.

“Ipinagmamalaki ko na isa sa aming kababayan ay napakaraming nagawa sa pagsusulong ng Pagbabago sa national level. Isa siyang inspirasyon sa lahat ng mga Kagayan-ons,” dagdag ni Mayor Oscar Moreno ng Cagayan de Oro, ang tinubuang bayan ni Pimentel.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *