Tuesday , December 24 2024
shabu drug arrest

Misis tiklo sa P.7-M shabu

ARESTADO ang 40-anyos ginang na uma­no’y ginagamit ng ‘big­time drug cyndicate,’ sa ikinasang buy-bust ope­ration at nakom­pis­ka­han ng halos P700,000 halaga ng ilegal na droga sa Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal kahapon.

Kinilala ni Rizal PNP provincial director, S/Supt. Lou Evangelista ang suspek na si Marlyn Datalio, 40, nakatira sa lungsod ng Taguig.

Narekober mula sa suspek ang isang mala­king plastic sachet ng shabu, 50 grams ang tim­bang, at 10 maliliit na sachet na tig-5 gramo.

Sa talaan ng Calabar­zon-4A PNP, napag-ala­man na noong 2003 unang naaresto sa Pasay City si Datalio dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga. Nakalaya siya noong 2009.

Ayon kay PRO4A-Calabarazon regional director, C/Supt. Guil­lermo Eleazar, muling na-monitor ng mga aw­to­ridad ang suspek na bumalik sa kalakaran ng ilegal na droga, partiku­lar sa Taguig at Taytay, Rizal.

Sa kanilang imbesti­gasyon, ginaga­mit uma­no si Datalio bilang drug courier ng isang bigtime drug syndicate sa Ta­guig City.

Mahaharap si Data­lio sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *