Monday , April 14 2025

Martial law sa Mindanao mananatili

IBINASURA ng Palasyo ang mga panawagan na tuldu­kan ang martial law sa Mindanao.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa hinog ang panahon para ipawalang bisa ang batas militar sa Mindanao.

“Wala pong gusto na magkaroon ng martial law beyond the necessity of having martial law so the Palace would like to assure the public that the moment the need for martial law ceases it will be lifted. But certainly one year after the siege, the time to lift martial law is not yet here. It will be lifted as long as there is no need for martial law,” sabi ni Roque.

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law sa Mindanao nang atakehin ng Maute-ISIS terrorist group ang Marawi City noong 23 Mayo 2017.

Kinatigan ng Kongreso at Korte Suprema ang martial law at pinalawig hanggang katapusan ng 2018.

Hinamon ni Roque ang human rights group na Ka­ra­­patan na magsampa ng mga reklamo para patuna­yan ang pahayag na isang tao ang napapatay kada linggo mula nang ideklara ang martial law sa Minda­nao.

Naitala ng karapatan ang 49 kaso ng extrajudicial killings, 116 frustrated extrajudicial killings, 22 torture cases, 89 illegal arrests and detention sa nakalipas na isang taon ng martial law sa Mindanao.

Iniulat din ng Karapatan na may 9,738 cases of threats/harassment/intimidation, 336,124 cases of indiscriminate firing and bombings, 404,654 cases of forced evacuation, at 979 forced surrenderees sa Mindanao.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *