Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
prison rape

Mag-utol timbog sa pagluray sa 15-anyos dalagita

ARESTADO sa mga aw­toridad ang magkapatid na lalaki makaraan hala­yin ang isang 15-anyos dalagita sa Pandi, Bula­can.

Ayon sa ulat ng pu-li­sya, kinilala ang mga suspek na sina Dante at Ricky Bagay Angeles.

“Umiinom sila noon pero noong makatunog sila na may mga papa­la­pit nagkaroon ng konting habulan,” sabi ni Chief Inspector Manuel de Vera Jr., hepe ng Pandi police.

Noong isang taon pa umano inaabuso ng magkapatid ang biktima tuwing umaalis ang ina ng dalagita sa kanilang bahay.

Nitong Lunes, naka­ta­kas ang biktima nang umalis ang dalawang sus­pek sa kanilang ba­hay. Palagi umanong tinatakot ni Dante ang biktima ng isang paltik upang hindi pumalag.

“Obviously talagang takot na takot ‘yung bata, matindi ang dinanas niya na trauma sa observation ko lang. Siguraduhin natin na mananagot ang dapat managot dito,” pahayag ni S/Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan police.

Hindi itinanggi ni Dan­te, stepfather ng biktima, ang akusasyon laban sa kaniya.

“Okay na po sige aminado na po ako, ‘yun na muna masasabi ko… Hindi ko rin ano, duma­ting na lang bigla e. ‘Di ko rin naman sinasadya,” sabi ni Dante.

“Hiya sa sarili kasi nawala ‘yung hiya sa sarili ko. Hindi ko naman hinihingi sa kanila na patawarin nila ako, ang masabi ko lang sa kanila mahal na mahal ko pa rin sila,” dagdag niya.

Habang si Ricky ay todo-tanggi sa mga bin­tang sa kaniya, “Baka lang kasi ho sa kaniyang stepfather siguro. Dina­may na rin po ako kaya po gano’ng inano, Sir sa akin. Pero wala po talaga ako alam diyan.”

Nahaharap sa kasong rape in relation to child abuse ang dalawang suspek, na isang non-bailable offense.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …