INAPROBAHAN ng Department of Education ang application ng 170 private schools sa National Capital Region para magtaas ng matrikula sa school year 2018-2019.
Ang Quezon City ang may pinakamaraming pribadong paaralan na magpapatupad ng tuition hike.
Ayon sa DepEd, mas mababa ang bilang ngayon ng mga paaralan sa NCR na magtataas ng matrikula kompara noong nakaraang school year.
Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones, dumaan sa tamang proseso ang pag-aproba sa tution hike.
Batay sa guidelines ng DepEd, dapat mapunta sa mga guro ang 70 porsiyento ng pagtaas ng matrikula.