Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktor, nasa listahan ng Narco

KABILANG pala sa expanded Narco list ang isang male star. Hindi kami magtataka kung isang araw ay mabalitaan na lang natin na nadampot siya ng pulisya. Sana naman huwag na siyang manlaban.

Ilang ulit naming nakasalubong ang male star na iyan sa isang up scale mall, naglalakad mukhang tulala at wala sa sarili. Hindi puwedeng lasing lang iyon eh. Iba ang kilos ng lasing kaysa bangag. Nagtitinginan sa kanya ang lahat ng nakakasalubong niya, alam kasi nila bangag.

Sinita pa nga namin ang security ng mall, dapat kung ganoon huwag na nilang papasukin. Ang katuwiran naman nila, nanggaling siya sa basement parking ng mall kaya hindi na masyadong napansin.

Hindi namin alam kung ano ang problema ng male star. Supposed to be ay maganda naman ang takbo ng kanyang career. Kung paniniwalaan ang sinasabi ng mga tao, masaya naman siya maging sa kanyang love life. Kaya iisipin mo rin, ano nga kaya ang dahilan at nagbabangag pa siya?

Mayroon pa kaming narinig diyan, dahil daw sa pagbabangag, minsan natiyempuhan na iyan ng isang bading, at alam na ninyo kung ano ang nangyari, but that is another story to tell. Sana mag-ingat na lang siya, at kung sakaling mahuli, huwag na huwag magtatangkang lumaban. (Ed de Leon)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …