Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Traffic enforcer patay sa salpok ng bus (3 sugatan)

BINAWIAN ng buhay ang isang traffic enforcer makaraan masalpok ng isang provincial bus habang nag-aayos ng traffic cones sa Skyway sa Amorsolo Ext., Makati City, kahapon ng umaga.

Isinugod sa Makati Medical Center ang biktimang si Maynard Joel Tolentino, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Skyway Corporation, ngunit nalagutan ng hininga sanhi ng matinding pinsala sa katawan.

Samantala, hindi na binanggit ng pulisya ang pangalan ng tatlong biktimang pawang bahag­yang nasugatan.

Nasa kustodiya ng mga awtoridad si Wisly Macaya, nasa hustong gulang, residente sa Block 67, Lot 22, Southville, Cabuyao, Laguna, driver ng JAM Liner na may plakang DYA 697.

Base sa ulat na na karating kay Supt. Bernard Perez, ng Philippine National Police, High­way Patrol Group (PNP-HPG), naganap ang insidente dakong 6:12 ng umaga sa Skyway elevated, malapit sa Amorsolo Exit, Makati City.

Minamaneho ni Macaya ng pampasaherong bus, nang siya ay mag-over-take sa isang bus na nasa unahan ngunit nasaga­saan ang traffic cones na inaayos ng biktima.

Nang mamamataan ng biktima na mahahagip siya ng bus, dali-dali siyang nagpunta sa center island ng Skyway para makai­was.

Ngunit biglang kinabig ni Ma­ca­ya ang bus hanggang napunta sa center island na kinaroroonan ni Tolentino kaya’t nasalpok ang biktima.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tatlo katao pa ang nahagip ng bus.

Agad dinala ang mga biktima sa pagamutan ngunit hindi umabot nang buhay si Tolentino.

(JAJA GARCIA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …