Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea del Rosario, thankful sa mga project na dumarating

NAGPAPASALAMAT si Andrea del Rosario sa sunod-sunod na projects na dumarating sa kanya. Sa ngayon ay tatlo ang ginagawa o nakatakda niyang gawing pelikula, kabilang dito ang Aurora na pinagbibidahan ni Anne Curtis, Para sa Broken Hearted ni Yassi Pressman, at Maria na tatampukan naman ni Cristine Reyes.

“I am very grateful sa Viva sa ginagawa nila para sa aking showbiz career. I am happy for the blessings, it’s just not easy that Calatagan is far from Manila. More than anything else, it’s my time with Bea that’s being affected,” saad ni Andrea ukol sa kanyang unica hija.

Nabanggit din niyang may mga offer din sa kanya para gumawa ng teleserye, pero may conflict daw sa kanyang schedule sa pagiging Vice Mayor ng Calatagan, Batangas. “Nagkaka-offer naman ako ng soap, kaya lang it’s the schedule that does not permit it because Wednesday’s yung session namin sa Calatagan and most soaps are MWF,” esplika niya.

Dagdag pa ni Ms. Andrea, “I was asked na mag-guest sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, but iyong schedule didn’t permit it. Ilang beses na rin nag- invite, even before I run sa pagka-vice mayor, hindi lang talaga nagtugma sa schedule.”

Inusisa rin namin siya ukol sa mga pelikulang ginagawa. “Iyong Aurora is about a ship na nag-sink and an inn na iniwan kay Anne ng magulang niya became the ‘vortex’ ng spirits na namatay sa barko. My role here is the wife of Alan Paule na tutulong maghanap ng bodies. This is suspense/triller.

“Iyon namang Para sa Broken Hearted ay romantic comedy ito, mom ako of Yassi Pressman and yung movie with Cristine Reyes ay action naman siya per di pa ako nagsu-shoot doon.”

Ano ang masasabi niya kay Anne? “Anne is nice naman, the guy I am seeing Grew up with his husband,” saad ng aktres/public servant.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …