Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wish na NY vacation ng JoshLia, ibibigay ni Kris

MATAGAL nang pangarap nina Julia Barretto at Joshua Garcia na makapagbakasyon sa New York. At ibibigay ito ni Kris Aquino sa kanilang dalawa kapag naging blockbuster ang pelikula nilang I Love You Hater.

Nalaman kasi ni Kris habang may photo shoot sila  para sa kanilang pelikula na handog ng Star Cinema na gustong magbakasyon ng JoshLia sa New York na magkasama kaya naman ipinangako niyang matutupad iyon kapag nag-hit ang I Love You Hater.

Ani Kris sa interbyu sa kanya ng ABS-CBN,”Kasi kahapon mayroon kaming shinoot ni Joshua na endorsement niya. They told me na they have a bucket list together. Sinabi nila na kapag nagkaroon na ng three endorsements na silang dalawa as a tandem, they have two currently, on the third daw, pupunta sila ng New York.

“Dream daw nilang dalawa ‘yun. So sinabi ko, ‘Iyang New York na iyan, basta mag-hit tayo, sagot ko na ‘yung tickets sa New York. Pero ‘yung hotel, tour and pagkain, mag-ipon na kayo for that.’”

Tuwang-tuwa naman si Joshua nang marinig ang pangakong iyon ni Kris.

Anang batang actor, “Na-surprise talaga ako. Nabuhayan talaga ako.”

“I’m very excited. Josh told me about that after their shoot. ‘Yun ang unang-una niyang sinabi sa akin. Of course I got excited. It’s so nice to be able to work with people who genuinely care about your dreams and your well-being. It’s an honor to be able to work with tita Kris,” tugon naman ni Julia.

Ang I love You Hater ay mapapanood na sa June 13 at idinirehe ni Giselle Andres.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …