TINANGGAP na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Cesar Montano bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board.
Kinompirma ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na sa kanyang tanggapan ipinadala ni Montano ang resignation letter at agad na tinanggap ito ng Pangulo kahapon.
“I am truly grateful for the trust and the opportunity you have bestowed upon me to serve our country through the Tourism Promotions Board,” sabi ni Montano sa liham sa Pangulo.
Napaulat na nag-usap sina Montano at Pangulong Duterte hinggil sa nabulgar na P80-M Buhay Carinderia project na isinulong ng TPB.
Hinimok umano ng Pangulo si Montano na mag-resign.
Nauna rito, nagbitiw rin bilang Tourism secretary si Wanda Teo nang maisapubliko ang P60-M advertisement deal ng DOT sa kompanya ng kapatid niyang si Ben Tulfo.
(ROSE NOVENARIO)