Si ex-kapitana ‘olat’ sa eleksiyon
Amor Virata
May 21, 2018
Opinion
ITONG si kapitana na ubod nang yabang sa District 2 ng lungsod ng Pasay, asang-asa na siya ang mananalo sa nakalipas na barangay elections pero minalas na matalo!
Kapag inuna mo talaga ang kayabangan hindi ka magwawagi!
***
Pagyayabang ni ex-kapitana, mahal siya ng kanyang mga kalugar kaya naniniwala na siya pa rin ang magwawagi…
Kaso, ultimo kamag-anak niya ay nahati dahil masama raw ang ugali ni kapitana! Problema ngayon ni ex-kapitana, paano nangyari na natalo siya? Ano ang nangyari sa ginawang vote-buying ng kanyang kampo?
***
Maraming biyaya o tulong-pinansiyal na natanggap si ex-kapitana… Sayang kinuha lang ng kanyang mga botante pero kalaban niya ang ibinoto. Sana ibinayad na lang niya sa kanyang pagkakautang sa malaki niyang utang sa isang incumbent councilor ng siyudad!
‘Yan ang problema ngayon ni ex-kapitana!
Tambunting, Bernabe at Marquez sa local elections
Matunog na pinag-uusapan sa lungsod ng Parañaque ang tandem na Gus Tambunting for Mayor, Jeremy Marquez para Vice Mayor at Benjo Bernabe para Kongreso sa 2019 local Elections… hindi pa tayo kompirmado sa usap-usapan… mga politikong may pangalan na sa lungsod ng Parañaque.
Ang tanong kaya ba? Kaya bang talunin ang isang Edwin Olivarez, ang incumbent Mayor na nasa dalawang termino na at napakaraming nagawa para sa siyudad? Sa aking opinyon… bakit hindi na lamang tapusin ang termino ni Kuya Edwin? Para mas malaki ang tsansa, ‘di ba?
Kunsabagay, parehong incumbent sina Tambunting at Olivarez. Si Gus bilang Congressman sa District 2 ngunit isang distrito lang ang sakop niya gayong ang kapatid ni Mayor Edwin na si Cong. Eric Olivarez ay nasa Disrict I.
Si Mayor Edwin bilang Mayor ng dalawang distrito, mukhang mahihirapan si Tambunting, ano sa palagay ninyo?
Iba ang mayor ka na incumbent ka pa ng dalawang district. Nabibigyan ng serbisyo kaya lamang na lamang si Olivarez! Kung may katotohanan man ang usap-usapan na ito… Good luck na lang sa inyo!