MAGKAKAROON ng bagong lider ang Senado ngayong Lunes dahil mauupo bilang bagong Pangulo ng Mataas na Kapulungan si Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III kapalit ni Aquilino Pimentel III.
“What is being discussed now is when (the leadership change will happen)?” pahayag ni Sen. Panfilo Lacson sa panayam nitong Sabado.
Sinabi ni Lacson, ang majority-bloc senators ay magkakaroon ng caucus ngayong Lunes hinggil sa isyu.
“Will it be this Monday or next week or the following week?” aniya, idinagdag na ang pulong nitong nakaraang linggo nina Sotto at Pimentel ay hindi nagtakda ng eksaktong petsa ng pagpapalit ng liderato.
“What is definite is that there is a signed resolution where the majority bloc in the Senate agreed to the change of leadership,” pahayag niya hinggil sa dokumento, na umabot sa 15 senador ang pumirma.
Si Sen. Grace Poe, mula sa biyahe sa abroad, ay lumagda nitong Sabado.