Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kanishia Santos, wish sumunod sa yapak ng kanyang Kuya LA Santos

NAGPAKITANG gilas si Kanishia Santos sa #Petmalu concert ng kanyang Kuya LA Santos na ginanap recently sa Music Museum. Nakapanayam namin ang maganda at talented na si Kanishia after ng naturang concert at kinuha namin ang comment niya sa naging reaction ng audience sa kanyang performance.

“Sobrang natuwa po ako, kasi akala ko magkakamali ako, e. Natuwa po talaga ako noong mukhang nagustuhan din naman nila ‘yung ginawa ko. So ‘yun po, na-excite talaga ako sa mga reaction nila,” masayang saad ni Kanishia.

Paano ka napasali sa concert na ito? “Actually, hindi naman po ako nagsabi, ‘yung mommy ko lang po, bigla niya na lang po sinabi sa akin na, ‘Kanishia, kakanta ka sa concert ng kuya mo ha?’ Medyo pinilit pa nga po ako ni mommy para gawin ‘yun. Kasi, hindi ko talaga sinabi kay mommy na gusto kong kumanta.”

Pero gusto mo rin? Kumbaga, nagpapilit ka rin? “Yes naman po. Medyo pinapilit, ganoon po, hahaha!” Nakatawang saad ng 17 year old na dalagita.

Nang nakasama ka sa album ni LA, anong na-feel mo? “Medyo natuwa rin po ako, kasi sabi ko, first recording ko sa totoong album po talaga na mabibigay sa masa kaya na-excite po ako noon. ‘Tsaka siyempre sa kuya ko, dahil sa kanya po talaga ‘yung album na ‘yun and then lahat ng songs niya ay sobrang ganda.”

Ano’ng message mo kay LA sa successful na concert niya? “‘Wag n’yo sabihin sa kanya kasi medyo masa-shatter siya, hahaha! Joke lang! ‘Kuya, super supportive kami sa iyo and sa lahat ng gusto mong gawin, su-support ka namin basta mabuti ‘tsaka hindi nakasasakit sa ibang tao. At saka tuloy mo lang ‘yung mga mabuti mong ginagawa dahil nakapagbibigay ka ng saya sa maraming tao.”

Proud ka ba sa ipinakitang galing ngayon ni LA? “Sobra po, sobrang nakatutuwa nga po na ngayon na nagco-concert na si kuya.”

Paano mo siya ide-describe bilang kuya? “Ay si kuya, sobrang witty na kuya, tapos lagi po siyang makulit. Iyong kulit niya naman po hindi sa masamang lagay, sa lagay po siya na sobrang nakakabigay-as in hindi lang po siya sa ibang tao nakapagbibigay ng saya, kundi pati sa amin, sa pamilya namin po, parang nagbibigay talaga siya ng liwanag. Pero ‘wag n”yo po sasabihin kay kuya, kasi masa-shatter talaga ‘yun,” pabirong wika ni Kanishia.

Ang Mommy Flor ninyo, paano mo ide-describe? “Siya po talaga ang pinaka-supportive na tao na nakilala ko sa buhay ko, kahit mukhang biased siya pero hindi po talaga dahil from day one, noong ipinanganak niya pa lang po kami, sinupport niya na po talaga kami sa lahat ng gusto naming gawin.”

Ito na ba ang start ng pagpasok mo sa showbiz? Anong gusto mo, singer or actress? “Hopefully po,” matipid na pakli niya. “Honestly, ngayon po kahit ano lang po muna. Kasi hindi naman po ako sobrang picky, kung ano naman po ‘yung ibigay sa akin magiging thankful na po ako kung saan man ako mapupunta.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …