TINAWAG na karuwagan ang planong huwag nang ituloy ang impeachment proceeding laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Pahayag ito ni Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin hinggil sa plano ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na ihinto ang nasabing proceeding ngayong pinatalsik na ng Supreme Court ang punong mahistrado na puwedeng magdulot ng constitutional crisis.
Ayon sa mambabatas, dahil nakitaan ng komite ni Umali ng probable cause ang impeachment complaint, nangangahulugan ito na mayroon silang ebidensiyang susuporta rito.
Dahil dito, dapat aniyang huwag matakot sina Umali bagkus ay manindigang ipagpapatuloy ang impeachment proceedings kontra Sereno.
Iginiit ng kongresista na ang impeachment ang tanging paraan para maalis sa puwesto ang isang impeachable official. (J. SINOCRUZ)