Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasalang Luis at Jessy, aprub kina Ate Vi at Edu

NAGING problema ang pagiging mas bata ni Jessy Mendiola kay Luis Manzano para hindi niya agad mayayang magpakasal ang aktres. Marami pa kasing pangarap si Jessy na gustong matupad.
Dahil dito, maraming basher ang nagsabing wala nang patutunguhan ang karir ng aktres. Dagdag pa na hindi ba raw ito matutupad kung may asawa na siya?
“Kahit hindi na magtrabaho si Jessy kung makasal siya kay Luis ay mamumuhay na itong reyna dahil maraming ipon ang aktor,” tsika ng netizen.
Kung si Congresswoman Vilma Santos naman ang tatanungin, gustong-gusto na nitong magka-apo. Inamin nito sa isang interbyu na kahit wala pang kasalang magaganap ay gusto na niyang magka-apo kay Luis.
Base naman sa hula ni Madam Suzette Arandela noong nakaraang taon, matutulad din sa mga naunang relasyon ng aktor tulad kina Jennylyn Mercado, Angel Locsin at iba pa na nauwi sa hiwalayan.
Kaya lang, ang manghuhula mismo ang nagsabing may matutuloy na ring kasalan. Aniya, aprub na kina Ate Vi at Edu Manzano na pakasalan ni Luis si Jessy kaya naman nagpaparinig na ang aktor na pakakasalan niya si Jessy bago matapos ang taong ito.

Nick Vera Perez, naka-relate sa pinagdaanan ni Sarah
SOBRANG naka-relate ang The Singing Nurse from Chicago na si Nick Vera Perez sa pinagdaanan ni Sarah Geronimo.
Aniya, naranasan din nito ang nangyari sa Pop Princess nang nag-show sa Las Vegas. Ramdam niyang hindi nakayanan ang pressure ng trabaho kaya naiyak din. Pumunta rin siya sa back stage para roon iiyak ang naramdaman.
May mga basher na nagsabing pa-eklay lang ng Pop Princess ang pangyayari dahil ang totoo ay gusto na nitong magpahinga sa pagkanta at magpakasal kay Matteo Guidicelli sabay ang hugot na matagal nang empty ang kanyang buhay.
Ani Nick sa kanyang social media account, “I actually like Sarah. Hinahangaan ko siya. She is a real talent. Except people around her and those who are trying to be with fame. People do not realize one thing, it’s not easy to sing when you change time zones. The time she is supposedly asleep is the time she is singing. Plus, she is dancing at the same time and that is not easy.
“Hence, whatever happened, I don’t blamed her. Things happen to all of us. Then, there’s the joggling of balances between relationships with boyfriend, family, career, friends and time. All are heavier each year you grow. For Sarah, to be at her pinnacle at this moment is commendable. Just my thought.”
Dumating noong Mayo 10 si NVP at agad itong sumabak sa kanyang unang mall show sa SM City Sucat noong hapon at sa gabi naman ay sa Centris Shopping Center. Marami siyang mall shows tulad sa Fisher Mall, Farmers Mall, Sta Lucia Mall at iba pa. Mayroon din siyang exclusive events para sa kanyang NVP1 World Homecoming sa Rembrandt Hotel at ang yearly search ng Ms. NVP1 World Queen 2018. Kasama rin dito ang kanyang comedy night na very exclusive para sa kanyang NVP1 World Delegates na gaganapin sa Jefz Cafe Sing-along/Comedy Bar-Manila.
Masasabing ang high light ng kanyang 2nd I Am Ready, On Cue album tour ay ang kanyang pagkanta sa ika-20 GawaD Pasado Awards Night sa May 19 na gaganapin sa National Teachers’ College-Manila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …