Friday , November 15 2024

Dawit sa kupit 2 Asec talsik?

MARIING pinagbibitiw mga ‘igan ni Ka Digong Duterte, sa puwesto, ang dalawang assistant secretary (ASEC), sina Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Moslemen Macarambon Sr., at Department of Public Works and Highways (DPWH) Assistant Secretary Tingagun Ampaso Umpa, na sangkot umano sa katiwalian, partikular sa usaping korupsiyon.
“The President has advised two assistant secretaries to tender their resignation or face termination for corruption,” ani Presidential Spokesman Harry Roque. Paliwanag ni Roque, ang mga kaso ay katungkulan na umano ng Ombudsman. Bagamat meron nang imbestigasyong ginagawa ang Department of Justice at ang Presidential Anti-Corruption Commission, puwede naman itong gamitin ng Ombudsman sa kanilang mga imbestigasyon.
Mantakin n’yo nga naman mga ‘igan, sangkot umano si Asec. Macarambon sa isyung “suspected smugglers of gold” at iba pang “precious jewelry” sa Ninoy Aquino International Airport.”
Sa kabilang banda, ito namang si Asec. Umpa, aba’y… “committed grave abuse of power” at maging sa isyung korupsiyon. Ganito na lamang ba ang gagawin ng mga tarantadong opisyal ng ating gobyerno? Aba’y tama ka Ka Digong! Tamang patalsikin ang mga salot na ‘yan sa ating lipunan! Huwag nang palalain pa ang sitwasyon! Huwag nang hintayin pang mag-resign ang mga animal, bagkus kung mapatunayan, sibakin na sa pwesto, ngayon na!

Buhay Carinderia Project silipin

Mahigpit na ipinatupad ni bagong Department of Tourism (DOT) Sec. Bernadette Romulo-Puyat, ang pagbibitiw ng lahat ng undersecretaries at assistant secretaries sa ahensiya.
“All incumbent Undersecretaries and Assistant Secretaries of this Department are hereby directed to tender their unqualified-courtesy resignation to the President,” ani DOT Sec. Puyat.
“Ang sinabi lang ni Presidente was just no corruption and like last night, I had my oath-taking at ang sinabi lang niya, is to review all the contracts. Make sure that everything has, may bidding, transparent, may proseso,” dagdag ni DOT-Sec. Puyat.
Sa pagkakaupo ni Sec. Puyat, maraming mapupuyat mga ‘igan, sa kaiisip sa matindi nitong pagpapaimbestiga sa usaping P80 milyong Buhay Carinderia Project ni Tourism Promotion Board (TPB) chief Cesar Montano.
“I want to talk to, I actually arranged for a meeting kay Mr. Cesar Montano (TPB Chair) to ask about ‘yung mga nabasa ko tungkol sa Buhay Carinderia na kung totoo ba na walang bidding at ano ‘yung P80-M, ang pagkabasa ko P80-M ang advance,” ani DOT-Sec. Bernadette Romulo-Puyat.
Tama ka ‘igan, dapat ngang usisain ang isyu… “kung bakit naglabas ng pera para sa Buhay Carinderia Project ang TBP bago pa ito ipatupad. Sus ginoo, malaking katarantadohan! Mayroon bang gano’n? “Only in the Philippines!”

Linisin ikarangal ang Maynila muling aarangkada

Ilang mambabatas mga ‘igan ang humamon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño na pangalanan at kasuhan ang mambabatas o politikong sangkot umano sa electioneering o may impluwensiya sa eleksiyon. E, paano na mga ‘igan ang mga PDP-Laban members na sangkot sa mga iregularidad sa eleksiyon?
Aba’y hindi umano dapat santohin ng DILG. Pantay-pantay lang dapat ang pagtingin sa batas ‘igan.
Kasabay nito ang pag-arangkada sa 2019 eelctions ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim, na kilalang Ama ng Libreng Serbisyo. Iisa lang sa mundo ‘yan mga ‘igan! Naglagay ng ospital sa bawat distrito ng Maynila, take note, 6 districts ‘yan. Libre ang serbisyong pangkalusugan sa Kamaynilaan na hinahanap-hanap ng mga pobreng Manilenyo.
‘Ika nga ng aking Pipit, iiral na ang tamang daan, hindi ang isang-daan (100) at limang-daan (500) sa darating na eleksiyon!

About Johnny Balani

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *