MAAARING humarap sa “Oplan Tokhang” operations ang barangay officials na kabilang sa narcotics list ng pamahalaan, kahit nanalo sa barangay elections, ayon sa Philippine National Police kahapon.
“It depends on the evidence. If we have strong evidence, we can always subject them to ‘Tokhang.’ We’re not being selective here,” pahayag ni Director General Oscar Albayalde sa press briefing.
Magugunitang inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Abril ang listahan ng barangay official na umano’y sangkot sa illegal drug trade upang gabayan ang mga botante sa pagpili ng mga kandidato sa May 14 barangay polls.