BINA-BASH sina Nadine Lustre at James Reid ng mismong mga tagahanga nila. Kaya naman sa kanyang Instagram story, tinawag ni Nadine ang mga ito na fake fans at walang room sa social media accounts nila ni James.
Sabi ni Nadine, ”To all the confused/Hot and Cold/fake fans, here’s the door. We don’t need youg bs here.”
Gayunman, nag-shout out si Nadine para sa solid fans nila ni James, na laging nariyan para sa kanila, through thick and thin.
“To all of our real supporters, we appreciate you all. Thank you for showing nothing but love and positivity, not only to this fandom, but the others as well.”
Ano kaya ang masasabi ng ilang mga tagahanga nina James at Nadine na tinawag ng huli na fake fans?
Pero hindi lang naman sina Nadine at James ang nakatatanggap ng pamba-bash mula sa kanilang sariling mga tagahanga. Maging si Sharon Cuneta bina-bash din.
Noong nag-post ang Megastar ng mensahe sa kanyang IG account against sa ex niyang si Gabby Concepcion, dahil hindi natuloy ang movie nila, bina-bash din siya ng mga tagahanga nila ni Gabby. At kilala ni Sharon ng personal ang mga ito, huh! Sinagot nga niya ang fans nila ni Gabby na may halong panumumbat.
Check Also
DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic
RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …
John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak
PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …
Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara
PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …
Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna
MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …
Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin
RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com