Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mon at Ben, Cain at Abel ng makabagong panahon

NAKALULUNGKOT na ang nag-aaway ngayon ay ang magkapatid at kapwa mamamahayag na sina Mon at Ben Tulfo kaugnay ng P60-M advertising contract ng PTV 4 at ng media company ng huli, ang Bitag, damay ang Department of Tourism.
Parang sina Mon at Ben sina Cain at Abel sa makabagong panahon (harinawa’y walang pagdanak ng dugo ang mangyari).
Sa pagbibitiw kasi ni dating DOT Secretary Wanda Teo (kapatid nina Mon at Ben) out of delicadeza, to the rescue ang kanilang Kuya Mon para ipagtanggol ito. Ngunit ibinaling naman ni Mon ang sisi kay Ben.
Dahil dito’y nagkaroon ng berbal na komprontasyon ang dalawang Tulfo brothers.
Samantala, itinanggi naman ng iba pang kapatid nila—sina Raffy at Erwin—na bahagi o “naambunan” sila mula sa million-peso ad deal,
Of the four brothers ay naabutan namin noong konektado pa kami sa Radyo Singko sina Ben, Raffy, at Erwin. Noon pa ma’y naririnig na namin na sila-sila rin pala’y hindi magkakasundo (are we correct na hindi nagkikibuan sina Ben at Raffy?).
Sa kung anong dahilan sa likod ng sibling rivalry na namamagitan sa kanila’y hindi namin alam. This much we know, lahat ng mga barakong Tulfo ay pinagbuklod ng iisang katangian o family value: ang pagtangi’t pagmamahal sa kanilang ina.
Sa nangyayaring sigalot sa magkakapatid, tiyak na ikinalulungkot ‘yon ng kanilang matriarch. Pero sana’y may isang taong pumagitna upang pagkasunduin sila.
Samantala, humanga kami sa pagbibitiw ni Wanda Teo sa nasabing kagawaran. Kapag delicadeza na ang umiral sa tao’y malaki ang palatandaan na pinahahalagahan niya ang kanyang pagkatao.
Sa mga nagtatanong naman kung si Ben ba ‘yung madalas bumanat ng Ingles na may twang pa? Yes, si Ben ‘yon at wala nang iba pa. Ewan kung malaki ang impluwensiya sa kanya ng landmark na Big Ben sa England.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …