Saturday , November 16 2024

Ellen Adarna inasunto ng child abuse, cybercrime

KINASUHAN ang aktres na si Ellen Adarna nitong Martes ng ina ng 17-anyos dalagitang pinaghi­nalaan niyang kumuha ng video habang kumakain siya kasama ng aktor na si John Lloyd Cruz, sa isang restoran sa Makati City.

Nagtungo sa Office of the City Prosecutor sa lungsod ng Pasig si Myra Abo Santos at nagsampa ng kasong child abuse at cyber crime laban kay Adarna.

Noong 4 Mayo, nag-post si Adarna ng video ng anak ni Santos na kinukuhaan umano ng dalagita ng video si Adarna.

Ayon sa caption ni Adarna sa video: “‘Yan ha… You know the feeling… Uncomfy noh? When you PAP us, we PAP you too! Nasa resto e. It’s a tie.”

Gumamit ng hashtag #PaparazziMoves si Adarna sa post.

Gayonman, iginiit ng dalagita sa kaniyang Twitter account na hindi nga niya napansin si Adarna at kinukuhaan niya lang ng video ang kanilang kinakain.

Habang ayon kay Adarna, tama ang kani­yang hinala tungkol sa babaeng kostumer na kinuhaan din niya ng video.

Ilang araw makaraan ang insidente, hiningian ni Santos si Adarna ng isang public apology at sinabing nasaktan ang kanilang pamilya sa ginawa ng aktres.

Itinuloy ng pamilya Santos ang pagsasampa ng reklamo nang hindi tumugon si Adarna sa hinihinging public apology ni Ginang Myra dahil sa maling paratang sa kaniyang menor de edad na anak.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *