Saturday , November 16 2024
sk brgy election vote

BSK poll winners proklamado na — Comelec

INIHAYAG ng Com­mission on Elections nitong Martes, prokla­mado na ang halos lahat ng mga nanalong kan­didato sa nakaraang barangay at Sanggu­niang Kabataan elec­tions.

Sinabi ni Comelec spokesperson Director James Jimenez, hang­gang 1:50 pm nitong Martes ay  94.01 porsi­yento ng lahat ng mga nanalo ang proklamado na.

Samantala, ipina­ala­la ni Jimenez sa mga naghain ng Certificate of Candidacy na maghain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) bago matapos ang 13 Hunyo.

“Kapag hindi ka nakapag-file ng SOCE, ikaw ay hindi mauupo,” babala ni Jimenez.

Habang sa mga natalong kandidato, “‘Yung natalo, kapag hindi ka nag-file ng SOCE, papasok ‘yan sa record niya… Kung maraming beses mong ginawa ‘yan, magka­karoon ka ng disquali­fication case later on,” dagdag ni Jimenez.

Aniya, ang Comelec ay nakapag-disquilify na ng tinatayang 1,000 recidivist non-SOCE filers.

Samantala, ipinaa­lala rin ng Comelec sa publiko na bagama’t hindi na epektibo ang liquor ban, ang gun ban ay nananatili pa rin.

Ang gun ban ay mananatiling epektibo hanggang 21 Mayo, ang huling araw ng election period.

MALABON
CHAIRMAN
SA ‘NARCO-LIST’
LAGLAG
SA ELEKSIYON

NATALO sa muling pag­takbo sa pagka-ba­rangay kapitan ang isang kandidato sa Malabon City na kasama sa ‘narco-list’ ng pamaha­laan.

Napag-alaman, na­ka­kuha ang incumbent chairman ng Barangay Tinajeros na si Alvin Mañalac ng 2,151 boto, mas mababa kompara sa 3,216 boto na nakuha ng kalaban na si Ryan Geronimo.

Pumangatlo sa pag­ka-barangay kapitan si Alexander Centeno na mayroong 1,696 boto.

Naiproklama bilang barangay kapitan si Geronimo bago mag-5:00 ng umaga nitong Martes.

Samantala, nanini­wala si Geronimo na naka­a­pekto sa mga botante ang pagkakasa­ma ni Mañalac sa narco-list ng Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA).

Agad tinanggap ni Mañalac ang pagkatalo. Sa kaniyang social media account, nagpasalamat si Mañalac sa mga tagasu­porta at binati ang bagong halal na barangay chairman.

Sa Abra
KANDIDATONG
KAPITAN PANALO
SA ‘TOSS COIN’

LAGAYAN, Abra – Labis ang tuwa ng isang 33-anyos kandidato nang manalo bilang chairman ng Brgy. Collago sa pamamagitan ng ‘toss coin.’

Kalaban ni June Car­denas sa posisyon ang kababata at matalik niyang kaibigan na si Rexor Jay Molina, ang nakaupong chairman ng kanilang barangay.

Sa naging halalan nitong Lunes, tabla sa 206 ang kanilang boto kaya kinailangan mag-toss coin para malaman kung sino ang panalo.

Sa Section 75 ng Commission on Elections (Comelec) guidelines, maaaring gamiting tie-breaker ang ‘toss coin’ o draw lots kapag tabla ang boto ng dalawang kandidato.

“Best-of-five” ang naging labanan ng mag­ka­babata.

Pinili ni Cardenas ang buntot at ulo ang pinili ni Molina. Tatlong beses lumabas ang buntot sa ‘toss coin.’

Unang beses tumak­bong barangay chairman ni Cardenas kaya labis ang kaniyang galak at pasasalamat sa Diyos.

“Nakatutuwa po, kasi talagang bago po nag-toss ng coin, nagdasal po ako sa CR. Sabi ko, Diyos na ang bahala,” kuwento ng nanalong punong barangay.

“Itatabi ko po ito, ipala-laminate ko po kasi ito ang nagpanalo sa akin,” dagdag niya.

Samantala, naging tabla din ang boto sa dalawang kandidatong chairman sa isang ba­rangay sa bayan ng Pilar. Ayon sa election officer doon, posibleng draw lots ang gamiting tie-breaker.

BARANGAY,
SK POLLS
GENERALLY
PEACEFUL
– COMELEC

“GENERALY peaceful.”

Ito ang paglalara­wan ng Commission on Elections sa ginanap na Barangay and Sanggu­niang Kabataan elections nitong Lunes, bagama’t may ulat ng mga insi­den­te ng dayaan, kara­ha­san at ilang namatay.

“Generally peaceful, ‘ika nga, [ang eleksiyon]. Natutuwa kami na ang botohan sa iba’t ibang mga presinto ay nairaos nang walang malaking problema, walang mala­king disturbance,” paha­yag ni Comelec spokes­person James Jimenez kahapon.

Ayon sa Comelec, mayroong kompir­ma­dong 13 poll-related deaths, na mas mababa kaysa 33 namatay noong nakaraang 2013 elections.

Ang election death toll ng Comelec ay mas mababa sa ulat ng national police, na naka­pagtala ng 33 namatay at 19 sugatan nitong Lunes.

Patuloy pang kino­kompirma ng election body ang mga ulat na ilang botante ang nabi­gong bomoto dahil ginamit ng ibang tao ang kanilang pangalan.

Tiniyak ng PNP
TOKHANG
VS PANALONG
BARANGAY EXECS
SA NARCO-LIST

MAAARING humarap sa “Oplan Tokhang” operations ang barangay officials na kabilang sa narcotics list ng pamaha­laan, kahit nanalo sa barangay elections, ayon sa Philippine National Police kahapon.

“It depends on the evidence. If we have strong evidence, we can always subject them to ‘Tokhang.’ We’re not being selective here,” pahayag ni Director General Oscar Albayalde sa press briefing.

Magugunitang inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Abril ang listahan ng barangay official na umano’y sangkot sa illegal drug trade upang gabayan ang mga botante sa pagpili ng mga kandidato sa May 14 barangay polls.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *