Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

International fitness gurus handa na para sa WNBF Philippines First Amateur Championship

PORMAL nang naghanap ang World Natural Bodybuilding Federation (WNBF) Philippines para sa mga male at female competitors para sa 2018 WNBF Philippine First Amateur Championship na mangyayari sa Hunyo 9 sa Johnny B. Good sa Makati City.

Ang WNBF Philippines ay kinakatawan ng mga international fitness gurus na sina Chris Byrne at Mitch Byrne, na kilala bilang dalawa sa pinaka-mahuhusay na Filipino-Canadian fitness icons sa North America ngayon.

Naglalayon ang Philippine affiliation ng WNBF na i- promote ang natural bodybuilding sa bansa at ipakita na hindi kailangan ng mga atleta ang steroids o iba pang mga mapanganib at ilegal na mga gamot para lumakas at gumanda ang kanilang mga katawan. Si Mitch Byrne, na isang dating beauty queen at ngayon ay matagumpay nagym owner, personal trainer, at professional bikini competitor ay nagdesisyon na dalhin ang  organisasyon sa  Pilipinas  sapagkat alam niyang magugus­tuhan ng publiko ang isang kompetisyon na talaga namang drug-free at binibigyang parangal ang mga atleta para sa kanilang commitment at sacrifice sa tamang nutrisyon at consistent at natural na training.

Mula noong 1990, binibigyang halaga ng WNBF ang pinaka-mataas na standard sa pag-promote ng istriktong drug-tested, professionally produced bodybuilding and physique sa buong mundo. Ang backbone ng reputasyon ng WNBF ay ang istriktong pagsunod sa drug testing. Kailangang sumailalim ang mga atleta sa polygraph at ang mga papasa naman ay sasailalim sa urinalysis. Mahalaga sa organisasyong ito na pantay-pantay ang mga atleta sa worldwide events nito.

With top foreign judges mula sa Canada at Amerika, kasama na rito sina Tina Smith at Bob Bell,  president at bise president ng WNBF, na parent organization, marami nang amazing competitors ang nais sumali mula sa bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo. Kinontak na ng mga atleta mula sa South Africa, Korea, Spain, Canada, at Amerika ang  WNBF Philippines para sa body building, physique, figure,  at bikini cate­go­ries.

Pa­ra sa mga gus­tong sumali bisitahin ang www.wnbfph.com.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …