Saturday , November 16 2024
NAGTIRIK ng maliit na bandila ang isang miyembro ng Philippine Army sa puntod ng namatay na kasamahang sundalo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, kahapon. (MANNY MARCELO)

2 sundalo patay sa sagupaan sa CamSur

RAGAY, Camarines Sur – Binawian ng buhay ang dalawang miyembro ng Philippine Army nang makasagupa ang hinihi­nalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Salvacion sa bayan ng Ragay sa Camarines Sur, nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa ulat, sunod-sunod na putok ang nari­nig ng mga residente ng barangay nang magka­sagupa ang pinanini­walaang mga miyembro ng NPA at mga miyem­bro ng 96th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Dalawang sundalo ang napatay sa insidente, kasama ang mismong team leader ng grupo.

Napag-alaman, newly activated unit ng militar sa Camarines Sur ang 96th IB. Nakatoka silang augmentation force sa malalayong lugar para sa eleksiyon.

Nagsasagawa sila ng clearing operations nang maka-enkuwentro ang NPA.

Inilunsad ng militar ang hot pursuit opera­tion, at pagkaraan ng ma­higit isang oras, muling nagkasagupa ang dala­wang grupo sa katabing barangay.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *