NAKIPAGSANIB-PUWERSA ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa malalaking pangalan sa industriya ng showbusiness para sa pinakaaabangang 2nd Eddys (Entertainment Editors’ Choice) na gaganapin sa Hulyo.
Sa ilalim ng direksiyon ni Paolo Valenciano, inaasahang mas magiging malaki at mas exciting ang ikalawang pagbibigay parangal ng SPEEd sa mga natatangi at de-kalidad na pelikula na ipinalabas noong 2017.
Ang Globe Studios ang major presenter ng 2nd Eddys’ Choice habang ang fastest growing FM station na Wish 107.5 naman ang bubuo at hahawak sa production ng event.
Bago ang awards night, magkakaroon ng Nominees Night sa * June 3, 5:00 p.m., sa 38 Valencia Events Place,Quezon City. Katuwang ng SPEEd sa Nominees Night ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pangunguna ni Chairman Liza Dino.
Rito ibibigay ng mga opisyales ng SPEEd at ng FDCP ang certificates of nomination sa lahat ng mga nominado.
Pagkatapos ng awards night, gaganapin ang bonggang after-party na tatawaging The Eddys Mega Party, sa pangunguna ng OneMega Group.
Kaabang-abang din ang special screening ng dalawa sa nominadong Best Film, ang Deadma Walking atBirdshot, sa Cinematheque Center Manila sa * May 26 at * 27, 6:00 p.m..
Magkakaroon ng two-day filmmaking seminar-workshop ang SPEEd kasama ang FDCP at Globe sa Cinematheque Center para sa film enthusiasts at “play it right” anti-piracy campaign ng higanteng telecom company.
Sa * May 26 (9:00 a.m.- 12 noon), tatalakayin ang aspeto ng Musical Score kasama si Teresa Barrozo at Sound Design (* 2:00-5:00 p.m.) kasama si Immanuel Verona.
Sa * May 27naman (9:00 a.m.- 12 noon), magkakaroon ng workshop sa Acting kasama si Anthony Falcon at Cinematography (* 2:00-5:00 p.m.), sa pamamahala ni Rain Yamson II.
Kamakailan ay ginanap ang synergy meeting ng 2nd Eddys kasama sina Globe Senior Vice President Yoly Crisanto, Globe campaign specialist Lui Almoite, EVP Archie Carrasco ng OneMega Group, Mimi Micianong Wish 107.5 (Project Manager), Karol Ramirez, Ef Orpiada ng FDCP, at ang writer ng The Eddys na si Nash Torres.
Ang SPEEd ay binubuo ng mga editor ng national daily tabloid at broadsheet. Narito ang bagong set of officers at members ng SPEEd: Ian F. Fariñas (People’s Tonight), President; Tessa Mauricio-Arriola (The Manila Times), External Vice President; Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon/Pang-Masa) Internal Vice President;Maricris V. Nicasio (Hataw), Secretary; Gie Trillana (Malaya Business Insight), Asst. Secretary; Dinah Ventura (Daily Tribune), Treasurer; Dondon Sermino (Abante), Asst. Treasurer; Dindo Balares (Balita), PRO;Ervin Santiago (Bandera), Asst. PRO; Rohn Romulo (People’s Balita), Auditor.
Board Members: Jojo Panaligan (Manila Bulletin); Rito Asilo (Philippine Daily Inquirer). Council of Founding Members: Isah V. Red (The Standard); Eugene Asis (People’s Journal), at Adviser, Nestor Cuartero (Tempo).